Tuesday, August 16, 2022

RIZA DORMIENDO: Beauty queen na dating mountain climber nagwagi sa Gintong Parangal

 


 


Dumadami na ang patimpalak ng kagandahan sa mga babaeng may asawa na o sa single parent. Sa totoo lang pati ang pinaka “number one beauty contest” na Miss Universe ay naglabas ng anunsiyo kamakailan lang na sa susunod na taon puede na silang tumanggap ng mga babaeng may asawa na para makipagkumpetensiya sa patimpalak ng kagandahan.

Isa sa mga humahawak ng titulo sa kumpetisyon ng kagandahan para sa married women ay si Riza Dormiendo. Hindi mo akalain na ang dating mountain climber na medyo boyish ng kabataan niya ang tinanghal na Mrs. Philippines Face of Beauty International 2019. Hindi lang yan isa din siyang dancer na naging Tango Champion noong 2019.

Sa katatapos lang na Gintong Parangal na ginanap sa Okada Hotel ballroom, si Riza ay pinarangalan bilang isa sa mga successful Filipinos sa 2022.

Kasalukuyang may 29 awards na si Queen Riza sa pagiging beauty queen, business woman and dancer. Hindi talaga matatawaran ang galing ng mabait na beauty queen na ito.

Ngayong Agosto 23, paparangalan na naman ang ating reyna bilang Most Empowered Beauty Queen of the Year sa Gawad Karangalan Para sa Filipino. Excited si Riza dahil kabilang sa mga awardees sina Christopher de Leon, Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Maricel Soriano, Direk Romm Burlat at marami pang iba.


 

No comments:

Post a Comment